Monday, July 11, 2011

Feast Message - July 10




Mga mimamahal kong kapatid sa Panginoon,

Good morning to all of you beautiful people of God!
Ngayong Linggo po ay uumpisahan natin ang bagong serye: The Force: “Claim The Power At Work In You.”  Ang main Bible verse po natin ay nasa Philippians 4:13: “ I can do all things through Christ who strengthens me.”

Mga kapatid ako po ay excited dito sa ating bagong serye because God will teach us on how to unlock the power at work within us. Naniniwala po ako na ang kapangyarihan na yan ay ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Kailangan lamang na magkaroon tayo ng tamang pananaw upang makiisa tayo sa Kayang kapangyarihan.

Ang serye po natin ay binubuo ng apat (4) na talks. Talk 1: Move Mountains; Talk 2: Enlarge Territories; Talk 3: Multiply Harvests; Talk 4: Finish Strong.

Ngayong araw po ay uumpisahan na natin ang Talk 1: Move Mountains.  Yes, we can tell the mountains in our lives like sicknesses, problems, debts and difficulties to move away from our lives. And we have the power to do it!

Sana po ay huwag kayong magsasawa sa pag attend ng ating Feast Taytay tuwing Linggo. You are already a member of our happy family. Kasama po namin kayo sa aming pangarap na punuin ang ating 1st and 2nd session sa September.Dadagdagan ko po ang aking pangarap. Pangarap ko rin po na sa September ay magkakaroon na tayo ng Feast Taytay para sa ating mga Youth. Gagawin po natin ito ng Sunday afternoon.  Umaasa po ako na katuwang namin kayo sa pangarap na ito.

Lagi ko po kayong ipinagdarasal dahil mahal ko po kayo at higit sa lahat mahal kayo ni Lord!


Lubos na gumagalang,

Bro. Pio M. Espanol

No comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Taytay Feast. Powered by Blogger. All rights reserved. Blogger Templates create by Deluxe Templates. WP by Masterplan