Thursday, July 14, 2011

Feast Message - July 17





 
Mga mimamahal kong kapatid sa Panginoon,

Good morning to all of you beautiful people of God!
Ngayong Linggo po ay uumpisahan natin ang bagong serye: The Force: “Claim The Power At Work In You.”  Ang main Bible verse po natin ay nasa Philippians 4:13: “ I can do all things through Christ who strengthens me.”

Sa pagpapatuloy ng ating serye ay tatalakayin natin ang  Talk 2: Enlarge Territories: “Think Big, Love Big.”  Yes, God want us to enlarge our territories. And we have the power to do it!

Kaya po hinahamon ko kayong lahat na palakihin natin ang grupo natin dito sa ating Feast Taytay. Kung ang bawa’t isa ay magdadala lamang ng tig-iisang new comer tuwing Linggo, lalaki po tayo at magdadagdag pa ng isang session. Kaya po natin gawin ito because God has given us the power to spread His Word.

Ipag paumanhin po ninyo kung wala ako ngayong Linggo. Ako po ay naimbitahan na mag bigay ng talk sa ating Feast Iloilo City. Magkikita po tayong muli sa susunod na Linggo.

Sana po ay huwag kayong magsasawa sa pag attend ng ating Feast Taytay tuwing Linggo. You are already a member of our happy family. Kasama po namin kayo sa aming pangarap na punuin ang ating 1st and 2nd session sa September.Dadagdagan ko po ang aking pangarap. Pangarap ko rin po na sa September ay magkakaroon na tayo ng Feast Taytay para sa ating mga Youth. Gagawin po natin ito ng Sunday afternoon.  Umaasa po ako na katuwang namin kayo sa pangarap na ito.

Lagi ko po kayong ipinagdarasal dahil mahal ko po kayo at higit sa lahat mahal kayo ni Lord!


Lubos na gumagalang,

Bro. Pio M. Espanol

No comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Taytay Feast. Powered by Blogger. All rights reserved. Blogger Templates create by Deluxe Templates. WP by Masterplan