Tuesday, June 07, 2011

Feast Message - June 05



Mga mimamahal kong kapatid sa Panginoon,

Isang mapagpala at maligayang Linggo po sa inyong lahat.
Isang kakaibang Feast an gating gagawin ngayong Linggo. Dahil natapos na natin ang ating Serye: Seasons: “Live Fully At Each Stage Of Your Life” magkakaroon po tayo ng recap or summary of the 4 talks on Seasons.

Hindi lang yon, pumili po ako ng ilang kapatiran na magbabahagi ng kanilang karanasan sa kanilang pinadadaan buhay sa Seasons. Ako po ay makakasiguro na sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo, tayo ay mabibigyan nila ng inspirasyon kung papaano natin isasabuhay ang bawa’t panahon ng Seasons: Spring, Summer, Autumn and Winter.

Sa susunod na Linggo po ay uumpisahan ang panibagong serye na pinagatang Extreme Makeover: Real Beauty Explained.  Sana po ay maging excited tayo dito sa susunod nating serye dahil ako ay excited na ibigay ito sa susunod na Linggo.

Sana po ay huwag kayong magsasawa sa pag attend ng ating Feast Taytay tuwing Linggo. You are already a member of our happy family. Kasama po namin kayo sa aming pangarap na punuin ang ating 1st and 2nd session sa September.Dadagdagan ko po ang aking pangarap. Pangarap ko rin po na sa September ay magkakaroon na tayo ng Feast Taytay para sa ating mga Youth. Gagawin po natin ito ng Sunday afternoon.  Umaasa po ako na katuwang namin kayo sa pangarap na ito.

Lagi ko po kayong ipinagdarasal dahil mahal ko po kayo at higit sa lahat mahal kayo ni Lord!


Lubos na gumagalang,

Bro. Pio M. Espanol

No comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Taytay Feast. Powered by Blogger. All rights reserved. Blogger Templates create by Deluxe Templates. WP by Masterplan