Saturday, June 18, 2011

Feast Message - June 19




Mga mimamahal kong kapatid sa Panginoon,

Good morning to all of you beautiful people of God!
Today, we will continue our series on “Extreme Makeover”-Real Beauty Explanined. Noong nakaraan Linggo ay tinalakay natin ang paksang Submit. Natutunan natin na madali tayong magpasakop kung may tiwala tayo sa taong sasakop sa atin. At higit na madali ang ating pagpapasakop sa ating Diyos na ating lubos na pinagkakatiwalaan.
Ngayong Linggo po ay tatalakayin natin ang paksang Servet. Here is God’s big message for you today: “Spiritual people serve.” Ibig sabihin, kung talagang mahal natin ang Diyos at tayo ay lumlago sa Kanya ay handa tayong maglingkod ng walang pag aalinlangan.
Katulad po noong nakaraang Linggo na meron po akong kasama sa pagbibigay ng talk dahil naka focus tayo sa buhay ni Mama Mary, ngayong araw po ay meron din po akong katuwang sa aking talk. Sino sya? Surprise!
Sana po ay huwag kayong magsasawa sa pag attend ng ating Feast Taytay tuwing Linggo. You are already a member of our happy family. Kasama po namin kayo sa aming pangarap na punuin ang ating 1st and 2nd session sa September.Dadagdagan ko po ang aking pangarap. Pangarap ko rin po na sa September ay magkakaroon na tayo ng Feast Taytay para sa ating mga Youth. Gagawin po natin ito ng Sunday afternoon.  Umaasa po ako na katuwang namin kayo sa pangarap na ito.

Lagi ko po kayong ipinagdarasal dahil mahal ko po kayo at higit sa lahat mahal kayo ni Lord!


Lubos na gumagalang,

Bro. Pio M. Espanol

No comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Taytay Feast. Powered by Blogger. All rights reserved. Blogger Templates create by Deluxe Templates. WP by Masterplan