Wednesday, June 22, 2011

Feast Message - June 26




Mga mimamahal kong kapatid sa Panginoon,

Good morning to all of you beautiful people of God!

Ngayong Linggo po ay ipagpapatuloy natin ang ating serye “Extreme Makeover”-Real Beauty Explained. Noong nakaraan Linggo ay tinalakay natin ang paksang Serve. Natutunan natin na lalo tayong gaganda sa ating pangloob na kaanyuan kung tayo ay maglilingkod.
Ngayong Linggo po ay tatalakayin natin ang paksang Sanctify. Matututunan natin sa paksang ito na ang kabanalan ay hindi lang nangyayari  kung mamahalin natin ang ating Diyos. Ito ay nangyayari kung hahayaan nating mahalin tayo at baguhin ng ating Panginoon.

Katulad po noong nakaraang Linggo na meron po akong kasama sa pagbibigay ng talk dahil naka focus tayo sa buhay ni Mama Mary, ngayong araw po ay meron din po akong katuwang sa aking talk. Sino sya?  

Surprise!

Sana po ay huwag kayong magsasawa sa pag attend ng ating Feast Taytay tuwing Linggo. You are already a member of our happy family. Kasama po namin kayo sa aming pangarap na punuin ang ating 1st and 2nd session sa September.Dadagdagan ko po ang aking pangarap. Pangarap ko rin po na sa September ay magkakaroon na tayo ng Feast Taytay para sa ating mga Youth. Gagawin po natin ito ng Sunday afternoon. Umaasa po ako na katuwang namin kayo sa pangarap na ito.

Lagi ko po kayong ipinagdarasal dahil mahal ko po kayo at higit sa lahat mahal kayo ni Lord!

Lubos na gumagalang,


Bro. Pio M. Espanol

No comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Taytay Feast. Powered by Blogger. All rights reserved. Blogger Templates create by Deluxe Templates. WP by Masterplan